Pagod ka na bang pirma nang pirma, kontrata tapos balik ulit sa barko? Time to break the cycle. Sa book na ‘to, tuturuan ka paano kumita kahit wala sa dagat — may klarong plano, hindi drawing.
Walang experience? Walang problema. Para ‘to sa mga ordinaryong Pinoy na gustong magsimula pero di alam paano. Walang technical na terms, puro simple steps at totoong kwento. Kayang-kaya mo ‘to.
After mong magbaba ng barko, anong susunod? Dito mo makikita kung paano magsimula ng bagong kabanata — hawak mo oras mo, may time ka na sa pamilya, at sa mga pangarap mong matagal mo nang gustong tuparin.
Andaming nadidisgrasya sa scam, maling negosyo, o kakulangan sa plano. Dito, isheshare ni Mix ang mga tunay na kwento ng pagkakamali — para ikaw hindi na matulad.
Ang goal hindi lang basta makauwi. Ang totoong laban ay paano ka makakapanatili — nang may peace of mind, may kita, at may direksyon. Tulungan ka ng librong ‘to mag-transition nang may tapang at plano.